Math review today and ampangit nung teacher na napunta samin. super nahihiya daw sha and all.. pero ayus lang. nadadalian na talaga ako sa geom ngayun. di ko nga lang alam kung bakit ako bumagsak. rawr. kulang lang talaga sa time.
during the review, I heard my phone ring but I didn't answer the call. Nung tiningnan ko ung phone ko to check who called, si Joseph Chu lang pala. Edi shempre, I excused myself from the class and called him. Sinagot nya ung phone, tas I asked him why he called
Joseph: Wala lang...
Me: Nasan ka ba?
Joseph: Uh, ano.. Nasa Bahay...
Me: Eh bakit hindi ka pumunta? diba gagawa kayo nung art project nyo?
Joseph: Eh tinamad ako eh.. pupunta na lang ako jan mamayang 12..
Me: wenk.
Joseph: ay oo nga pala, nandito sa bahay ko si jestine..
Me: bakit sha nanjan?
Joseph: wala lang! trip nya eh.. eto o, kausapin mo pa
**nakausap ko nga si jestine.. then binaba ko na ung fone..
Then I told Deo na jestine's at Joseph's house. tas napag-isip-isip ko.. nasa bahay pa pala si chu.. tatawagan ko ulit sha para puntahan si beila sa house nila at sabihing pumunta sa pisay para gumawa rin kami nung art.. when I called him uli, (review is going on..) sabi niya, si Lara rin daw nagpunta sa bahay nila.. napag-isip-isip ko ulit na, siyet, si Lara nakita ko lang kanina ah! and it's really impossible na aalis sha ng school! so pinuntahan ko ung champaca room (nandun sila eh..) tas shooooot!!
NALOKO NA NAMAN AKO NI JOSEPH!!! rawr. kainis talaga. napaupo tuloy ako floor, ang uto-uto ko gahd. :( hay naku.. nandun lang pala silang lahat! pati si chu! rawr!
tas patapos na ung review, napag-usapan namin na gagawa ung group ko at group ni Joseph na magtrtrabaho kami sa front lobby.. tas nauna silang bumaba.. tinawagan ko ulit si joseph, si jestine ung sumagot, sabi, nasa gym daw sila.. sabi ko WEH. wahahaha.. "naghahanap kami nina angelica at joseph ng soccer ball".. so mejo naniwala na naman ako diba.. kasi mga soccer addicts un.. :D bigla nung pagbaba ko, nandun sila sa tabless!! NAUTO NA NAMAN AKO!! grrrrr.. KAINIS TALAGA SI CHU... RAWR!!
tapos un, nag-padeliver na kami sa mcdonalds.. sabi 45 minutes daw.. biglang.. 1 hour and 15 minutes wala pa reeeen!! ang gago pa nung nagdeliver..
kami: bakit ang tagal?
sya: eh inikot ko pa ung buong school nyo ang tagal nyo kasi.
(eh loko pala sha eh! kitang-kita namin na kakapasok pa lang nya sa gate!!)
kami: saang branch ka ba galing?
sya: uh, dun sa munoz!
kami: patingin ng resibo
****VISAYAS AVE BRANCH****
rawr! SINUNGALING!! AMP! tas wala pang fork! waaaaah! eh halos puro rice meals ung inorder namin dba. tae shaaaaa!! then, I ordered a plain cheeseburger meal.. tipong ung burger patty lang at cheese ang nandun.. at shempre ung bread dba.. biglang.. may ketchup! yak! hay naku..
the others decided to eat at pisay na lang kesa magkalat dito sa house namin. (they're gonna work here din..) tas, kaming dalawa ni joseph, bored na.. we decided that we'd go ahead of them na lang. :D nagpedicab kami. at shempre.. sha na naman ung nasa tabi nung driver at ako ung nasa labas.. wahahaha. ay naku.
dumaan muna kami sa mcdo kasi umorder si joseph ng ice cream.. :D tas pumunta na kaming dalawa sa bahay ko. :D nandun na nga pala si gen at deo.. tas gumawa na kami nung project.. after ko pumunta ako sa kitchen para kumuha ng water sa ref, pagbalik ko, nakita ko na,, ampangit nung upo ni chu.. pero hindi ko na lang pinansin at tiningnan pa, kasi,, basta.. ayaw nyo na rin makita.. wahahaha. tas napansin din ni deo! tas sumigaw "SHET CHU! AMPANGIT NG UPO MO!!!" wahahaha. tas nakita rin ni gen.. so parang lahat kami tawanan.. kasi naman eh.. bastaaaa!!! shoot talaga un. +_+;; (secret na un iba..)
tas dumating na rin sina albert, louey, angelica, nikkei at jestine at LARA! (sorryyyyy!!).. tas un.. gawa gawa na.. after an hour.. biglang napansin ni chu na nawawala celfon nya.. sabi niya sakin, tawagan ko daw.. edi tinawagan ko.. not active. syet. baka nahulog nung sumakay kami sa cab.. nakiusap sha sakin "desa, samahan mo naman ako. balik tayo sa mcdo.." edi okay.. sinamahan ko.. iniwan ko muna ung mga iba kong kaklase dun..
ULTIMATE LAKAD EXPERIENCE!
pumunta kami sa mcdo, we asked the guards and crew kung may nakita silang fone.. eh wala daw.. sabi ko, wala na un.. tas parang.. sobrang ang sad nung reaction nya.. eh si joseph pa naman ung tipo ng taong makikita mo talaga sa mukha nya na problemado sha.. hay. kalungkot.. so di ko natiis.. sabi ko "gusto mo uhm ano.. balik tayo sa pisay and hanapin natin ung pedicab driver?" um-oo naman sha. ayun..
pagdating sa pisay, tinanung namin ung ibang drivers kung may nakapulot sa kanila ng celfone.. wala daw.. pero alam nila na sumakay kami kanina.. tas tinawag nila ung driver.. jon yata or jason ung name.. tas sabi, may guy na naka-motorcycle na nakapulot nung fon, (nahulog kasi sa bulsa ni chu.. ay naku.) tas sinundan daw kami.. pagbalik nung pedicab driver sa pisay.. tinanung daw sha nung lalake
LALAKE: boss sayo ba tong celfon na to?
DRIVER: hindi po! hindi ako nagcecelfon! (aba honest! hindi inangkin!)
so ung lalake, umalis na lang at tinangay ung fon ni joseph.. hay.. ang sad.. haahaha. tas hindi na nagsasalit si chu nung naglalakad na kami pauwi mashado.. oh well. tas tinanung nya sakin kung magkano ung fon, kasi kay julian un.. babayaran pa nya dapat kay julian.. so un..
ayan. natapos din ung kwento ko kay chu.. =p
GAWA NG PROJECT!
ayun, gumawa na kami ng project.. halos walang nangyari sa group nila albert.. pero kami malapit na matapos. YAY! :D
umalis na si LARA(sorry ulet!) tas si louey, tas sina gen at deo din.. sina albert, angelica, nikkei at jestine na lang natira.. ang dami naming napag-usapan.. ung rosal.. ung mga babae at lalake.. plus ung culprit sa poisining.. nakapanghihinayang talaga.. :(oh well.. tas, ung feeling namin nina nikkei na binubully kami palagi nina monmon.. sabi ni angel.. lahat naman daw binubully nila eh.. kaso nga lang.. feel daw ni angel, sha lang ung hindi. gusto nya daw mabully! hehehe.. tas ayun.. ang dami pa.. after nito, mas lalo kong minahal ang rosal. :D
tas dumating na ung driver ni albert.. so umalis na sina albert, jestine at nikkei.. mga 4:00..
after that, Joseph called me.. nakauwi na sha nang safe.. :D sabi niya, okay lang daw sa parents nya.. so un.. grabeh, mashado nang mabait parents nyaaaa!! wahaha.. tas from 4:00pm-5:30pm.. kausap ko si ANGELICA.. ang ganda ng usapan namin.. sobra.. hindi ko na lang ikkwento dito.. pero.. basta,.. sobrang ganda.. :D and I've learned that wrestling is like real life.. asteeg.
tas she left na.. :D whatta day! ang saya.. sobrang daming adventures!
ah! tas kanina, I was chatting with sir martin. I saw his status message kasi. he said that he might join the amazing race asia this summer.. so that would be our homework daw. we should watch the amazing race daw palage!! wahaha! pinag-iisipan pa rin daw nya kung sinu ang kanyang magiging partner.. hmmmmm.. SINO KAYA?! wahahaha!
hay! ANG HABA NG POST AH! dami kasing nangyari ngayun eh! haaaaay!
you gotta love high school..;)
ciao! ;)